21 "f**k!" Ilang beses pang napamura si Logan habang nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa batang mahimbing na natutulog sa likuran ng sasakyan niya at sa I.D picture na sinend sa kanya ni Jaime sa cellphone. CASSANDRA MAYE MONTECITO Is it possible? No. Impossible. Maraming may ganoong apelyido sa Metro. Baka nagkataon lang. Although he cannot deny the fact na tila mas nag alala si Jaime nang malamang si Cassie ang kasama niya ngayon. Binalewala niya na lang iyon at tahimik na nagdrive papunta sa nakasulat na address sa ID nito. Malayo pa lamang ang kitang-kita niya na ang school bus ng Xavier University sa tapat ng bahay na pupuntahan niya. He saw the driver bowing his head na tila humihingi ito ng paumanhin sa nangyari. Nagpark siya sa gilid ng kalsada bago niya sinibukang gisingin