“MASAYA kaming para sa’yo, Mia.” Iyon ang masayang sinabi ni Rosanna sa kanya matapos niyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Erik. “Pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo nasabihan ah. Naging busy kasi kami sa pag-aasikaso ng mga kailangan kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng chance para puntahan kayo dito.” Noon naman tamang pumasok ng opisina ni Rosanna si Dahlia saka inilapag sa mesa ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Pagkatapos niyon ay niyakap siya nito ng mahigpit habang nakangiti. “Parang kailan lang noong una kang nag-apply dito para maipagamot ang nanay mo. Ngayon, heto at ikakasal kana. Masaya kami na isang katulad ni Erik ang makakasama mo habang buhay, Mia,” halata sa tono ng pananalita ni Dahlia ang kasiyahan na nararamdaman nito p