“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books