“ANG sabi ng doktor mga isang linggo siyang mag-i-stay sa hospital. Just to make sure na magiging okay ang lahat,” ani Erik. Nakita niyang nagbuntong hininga ang nanay niya matapos ang kaniyang sinabi. “Paano ang kasal ninyo? Hindi ba dapat ngayong araw iyon?” Agad ang panghihinayang na naramdaman ni Erik dahil doon. At kahit pa sabihing may dahilan siya para magduda sa lahat ng malasakit at pag-aalalang ipinakikita ngayon sa kanya ni Aurora para kay Mia. Minabuti na muna niyang isantabi ang lahat ng iyon. Mas gusto niyang isiping totoo ang nanay niya sa lahat ng ginagawa nito. Dahil hindi rin naman niya gustong magkaroon ng panibagong dahilan para kamuhian ito. “Kinausap ko na si Mia tungkol diyan, nay. Mas gusto ko kasing maayos siya sa araw ng kasal namin,” pagsasabi niya ng totoo