KABANATA 59 “MANANATILI KANG MAHAL”

1584 Words

ABALA na si Mia noon sa pagpupunas ng mga muwebles nang marinig niya ang ingay na nilikha ng pagbubukas ng gate sa bakuran. Inisip niya agad na si Erik iyon at hindi nga siya nagkamali. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya napigilan ang magtaka dahil masyadong mabilis itong nakabalik kumpara sa kanyang inaasahan. “Bakit ang bilis mo naman? Parang wala pa yatang isang oras mula nung umalis ka?” ang nagtataka niyang tanong. Mataman lang siyang tinitigan ni Erik at pagkatapos ay umiling lang ito. “Tulungan na kita,” ang sa halip ay isinagot ng binata sa kanya. Hindi lang dahil sa ginawing iyon ni Erik nagkaroon ng ideya si Mia na hindi okay ang kanyang nobyo nang mga sandaling iyon. Ang totoo ay nararamdaman din naman kasi niya ang tungkol roon. Pero dahil may palagay siyang hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD