MAGANDA ang ngiting pumunit sa mga labi ni Erik kinabukasan. Iyon ay nang magising siya at makitang mahimbing pa rin na natutulog si Mia sa kanyang tabi. Isang malalim na buntong hininga ang hinugot at pinakawalan ng binata dahil doon. Pagkatapos ay maingat niyang kinabig si Mia saka ikinulong sa kanyang mga bisig at mahigpit itong niyakap. “Hindi mo alam kung gaano mong napasaya at nakumpleto ang buhay ko, Mia,” bulong niya saka hinalikan ang buhok ng natutulog pa ring dalaga. Ilang sandaling nanatili siya sa ganoong ayos bago siya bumangon at nagtuloy sa banyo para maligo. Ginawa lang niyang mabilis iyon dahil gusto niyang makapaghanda na ng agahan bago pa man magising si Mia. “Hey,” ang naging bungad niyang pagbati kay Mia nang eksaktong katatapos lamang niyang i-set ang mesa ay lum