KABANATA 61 “AURORA'S TEARS”

1586 Words

AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Erik nang makilala ang babaeng inabutan niyang kausap ni Aurora sa sala ng kanilang bahay. “Erik, hijo,” ang agad na bati sa kanya ni Dolores na umakma pang lalapitan siya pero mabilis na napigil ang gagawin sana nitong paghakbang nang magsalita siya. “So, tama nga ako. Kayo ang nagsumbong sa mga magulang ko kaya sila napauwi ng wala sa oras dito sa Pilipinas!” Hindi na itinago pa ni Erik ang galit sa kanya tinig kahit kung tutuusin ay hindi naman niya nakalimutan ang lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Mia kanina. “Erik!” saway sa kanya ni Aurora na napatayo mula sa kinauupuan nitong mahabang sofa. Hindi na sumagot pa si Erik pagkatapos niyon. Sa halip ay tumalikod na lamang siya at minabuting pumasok sa kanyang silid. Tama nga siya ng hinala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD