Nagising ako kinaumagahan sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatama sa aking mata. Unti-unti ko itong minulat. Ang unang bagay na hinanap ng aking mata ay ang maliit na orasan na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama. Alas-sais na pala ng umaga…nangangahulugan lamang na oras na para bumangon at harapin ang panibagong hamon ng araw na ito. Bahagya akong napakusot sa aking mata nang tila ba nagiging dalawa ang bilang ng puting liham na nakapatong sa lamesa katabi lamang ng maliit na orasan at lampshade… Muli aking tumingin ngunit hindi pa rin nagbabago ang bilang na nakikita ko. Ngayon ko lang nakumpirmang, talagang dalawa nga ang nakapatong na papel sa lamesa... Inabot ko ito at hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang antisipasiyon kung ano nanaman ba ang linalaman ng liham

