Mabilis na pinaharurot ng tsuper ang putting limousine papunta sa kabilang dako ng isla kung saan nakatayo ang isa pang malaking bahay. Sa kabila nito ay mataas na tower na sa tingin ko ay ang tinatawag na lighthouse na nagsisilbing gabay sa mga manlalayag ng karagatan tuwing gabi. Medyo dumidilim na ang kapaligiran sapagkat gumagabi na rin, ngunit malinaw ko pa ring nakikita ang lahat sa dami ba naman ng mga pailaw sa lugar. May mga kaunting tao na ring ang natipon suot pa rin ang mga dresses nila na ginamit nila kanina sa kasal. Kapwa lang kaming naging tahimik ni Davos sa kabuuan ng aming maikling biyahe. Batid kong ramdam nito ang tensiyon at kahihiyan sa akin dulot ng pagbabanggit niya ng salitang ‘honeymoon.’ Naunang bumaba mula sa limousine ang don. Tumayo ito sa paanan ng bukas

