Kabanata 50: Wedding day

2233 Words

Kagaya ng pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran, mabilis na dumating ang araw na pinakahinihintay naming lahat lalung-lalo na nina Cohen at Morghana- ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib, ang araw ng kasal.   Tang! Tang! Tang! Tang! Tang!   Unang tunog ng kampana upang paalalahanan ang mga tao na kalahating minuto lamang ay magsisimula na ang seremonya na inaabangan ng karamihan.   Narito naman kami sa isang room na sinet-up upang maging makeup and styling room naming mga kababaihan kasama na ang bride. Kasalukuyan kaming rine-retouch ng mga na-hire na mga artist na karaniwan ding mga nagtatrabaho sa Manila Times.   Katatapos lang ng photoshoot kanina sa Manila Hotel kung saan sama-sama kaming nagpakuha ng litrato pagkatapos na mag-duo ang dalawang ikakasal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD