Davos's POV “Where are they?” matigas kong tanong kay Antoine nang magkatagpo kami sa gitna. Parehong naiwan ang aming mga tauhan sa aming mgalikuran na kapwa nakaalerto sa kung ano man ang pwedeng mangyayari. Sinipot ko siya dito sa lokasiyong at saktong oras na itinala niya, hawak ang mga papeless ng pagmamay-ari kong isla kabila na ang paboritong isla ng aking ina at maging ang Formentera. Ayoko man ay wala akong magawa sapagkat parehong mamatay ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko- ang aking obligasiyon at ang tinitibok ng aking puso. Hindi ko makakaya kung mawawala ko ng tuluyan ang natatanging babae na nagturo sa akin na umiibig at gawin ang mga bagay na hindi ko naman karaniwang ginagawa noon… ang aking asawa. Dalarie Cohlshana-Portavo… my little kit

