DUMUNGAW siya sa ibaba mula sa balkong kanugnog ng masters bedroom. Namataan niyang naglalaro ng habulan ang kaniyang mag-aama. Ngumiti siya sa magandang tanawing bumungad sa kaniya. Brian was chasing Brianna and Brayden in the garden. Nang mahuli ng asawa ang batang lalaki ay agad na tumakbo si Brianna sa kinaroroonan ng faucet at pinakawalan ang tubig bago hinila ang hose na nakadugtong roonthat was her way of saving her brother from the 'monster'. Natatawa siya sa tuwing nagkukunwaring monster si Brian para laruin ang dalawang bata. Sigaw at halakhak lagi ang pumupuno sa kabahayan dahil sa mga ito. Bawat halakhak at sigaw ng mag-aama niya, parang musika sa pandinig niya. Napahagikgik siya nang si Brian na ang hinahabol ng dalawa. Basang-basa na ang kanilang ama dahil sa pag-
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books