Dahan-dahang nagmulat si Daphne. His steady gaze was on her face. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Kislap iyon ng mga luha sa gilid ng mga mata nito na nasisinagan ng malamlam na apoy mula sa kalan. Hes crying again. Tila may sumundot sa kaniyang puso nang makitang lumuluha ito habang titig na titig sa kaniya. Kaya naman agad niyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi nito gamit ang daliri. Nabigla siya sa biglang pagyapos nito sa kaniya nang napakahigpit at pag-iyak nito habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan niya and the words I miss you, I'm sorry. Hindi niya napigilan ang paglaglag ng sariling mga luha. Weird. Shes hurt, looking at him in pain. Hindi man niya maunawaan ang ikinikilos ng estrangherong ito, pero dama niya damang-dama niya ang bigat ng dinadala