THIRD PERSON’S POINT OF VIEW HINDI MAPAKALI si Edison habang nasa loob ng kaniyang sasakyan, hindi niya maintindihan kung bakit niya ginusto na pumunta sa bahay nila Jasleah kung kailan lunchbreak. Tanghali tapat at ito siya, nagtitiis sa init at ‘di man lang makakakatok sa bahay nila. Bumuntong hininga siya at saka bumaba pero bago siya bumaba ay napatingin siya sa singsing niya. Wala sa sarili niyang hinubad ‘yon at iniwan sa loob ng sasakyan. Kinuha niya ang rosas at take out na chicken sa jollibee. Pero bago siya bumaba e iniwan na lang niya ang rosas. “Edison, nagugutom ka lang.” Pagpapakalma niya sa kaniyang sarili. Tumayo siya sa labas ng bahay at saka kumatok sa gate. Wala kasing doorbell dito, napapikit siya parang gusto niya mag back out. “Sandali!” giit ng isang boses lalaki.