Chapter 31: Mistake

2629 Words

Chapter 31: Mistake JASLEAH SANCHEZ POINT OF VIEW HUMIHINGAL akong tumingin sa kisame, isang panibagong araw na naman ang lumipas kasama si Edison. Isang araw na nagtagpo kami sa paraan na hindi tama. Napatingin ako sa kanya. Nakapikit na siya at payapa na ang kanyang paghinga. Napatingin ako sa kwarto niya, napakagulo nito at kalat-kalat ang kanyang mga papel at laptop. Ang dami ng nagbago sa kanya. Kumusta kaya siya bilang isang asawa? O' di kaya bilang isang ama? Masaya kaya? Mahina akong napangiti sa aking naiisip. Bumangon ako at saka kinuha ang aking damit at sinuot 'yon. Napatingin muli ako kay Edison na yumakap naman sa unan na hinigaan ko. Pagod na pagod siya. Kinuha ko ang kumot at saka pinangtakip 'yon sa hubo niyang katawan. Tumingin ako sa orasan, malapit ng mag-umaga. Tama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD