Chapter 27: Assault JASLEAH SANCHEZ POINT OF VIEW HUMINTO ang mundo ko ng magtagpo ang mga naming dalawa. Ibang- iba na siya. Hindi na siya ang lalaking iniwan ko. Kasalanan ko ba 'to? Hindi ba siya naging masaya noong iniwan ko siya? Bakit sa mga litrato niya ay nakangiti siya? Hindi ko mapigilan ang manginig at umiyak, lalo na nang makita ko siyang tila wala ba sa kaniyang sarili. Wala akong makita kung 'di ang galit niya. "Ssshhh... huwag kang umiyak, hindi naman kita sasaktan..." bulong niya at hinawi ang buhok ko. Nanghihina ako, "Ang gusto ko lang mag-usap tayo, Jas. Pag-usapan natin kung bakit mo ako iniwan." Kada salita niya ay mas dumidiin ang hawak niya sa aking kamay. Pakiramdam ko mapuputol na ang wrists ko. "Si-sige mag-usap tayo pero huwag dito..." He chuckled again, "B