“Bakit ka ba kasi tumakas, ha?! Why did you even do that?! Alam mo namang sobrang fresh pa ng issue! My god, Meila! Iyong Mommy at Daddy mo, ayun worried na worried at kinailangan pang itigil ang rehearsal nila sa Theatre para mapuntahan ka! Anong pumasok sa isipan mo?!” Halos pumutok na ang litid ng Tita Mera ni Meila kasisigaw noon sa kanya habang siya ay nakaupo lang sa couch. Nakadikit ang kanyang mga hita at nakatukod ang dalawang kamay niya sa mga tuhod habang nakayuko.
Para siyang batang pinapagalitan dahil hindi sumunod sa ipinag-uutos ng mga magulang. Nakatayo naman sa kanyang harapan ang kanyang Tita Mera na kanina pa galit na galit. Kahit na hindi siya nakatingin dito ay rinig na rinig niya ang paghangos nito sa sobrang galit. Ang kanyang Tita Ira naman ay nasa tabi lang at nakikinig sa galit ng kapatid nito. Noon pa man ay ganoon na talaga ito. Sa dalawa niyang tiyahin, si Mera lang naman ang madaling ma-highblood lalo na pag sa mga ganitong sitwasyon. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at hindi na lang nagsalita pa. Tinanggap na lang niya ang galit nito sa kanya. Alam naman kasi niyang para sa kanya at kabutihan ng career niya lang ang iniisip nito.
“Now, what are we gonna do?! Hindi pa nga tapos itong issue ng network, may lalabas na namang articles tungkol sa’yo na nasa mall ka amidst this controversy!”
Napanguso na lang siya habang nakatitig sa kanyang mga Tita. Hindi na lang siya nagsalita at nakikinig lang sa mga sinasabi ng tita niya. She must admit, what happened earlier was quite scary and traumatizing. Everything was so fast na hindi na niya alam kung anong nangyari at paano sila nakaalis doon sa mall.
“Go back to your room, Meila, and do not make another mistake again or your career will be freaking over!” Halos mapatalon na lang siya nang sumigaw ang Tita Mera.
Napalunok na lamang siya at marahang tumalikod na para pumunta na sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya ay agad siyang dumapa na sa kama. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan at doon na sumigaw nang sumigaw.
‘Why is this happening to me?! Of all the situations, now talaga?! This is my dream! I’m making steps! I’m growing as an actress, and this is what will happen?! Why is this so frustrating?!’
Padarag siyang umupo ng kama. Suminghot siya, hindi na napigilan ang pag-iyak sa sobrang frustration. Halos magdugo na ang kanyang labi sa sobrang pagkakakagat nito. Kinuha niya ang kanyang malaking bear at niyakap iyon. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.
Narinig niya pa ang pag-vibrate ng kanyang cell phone sa may bedside table. Sinulyapan niya lang iyon pero hindi niya na kinuha. Sumimangot siya. Alam niyang ang mga kaibigan niya lang iyong tumatawag at nagti-text sa kanya. Ayaw na niyang punan pa ng stress ang mga ito, not after what she put them through earlier.
It’s just really frustrating that she cannot even do a thing about it!
Napasinghot na lang ulit siya bago tuluyang humiga. She curled into a fetus position and hugged the pillow. Doon niya ibinaon ang kanyang ulo at saka ipinikit na lang ang kanyang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog na lang siya roon. Hindi niya alam kung anong oras na nang magising siya basta pagkabangon niya ay madilim na sa labas at kumukulo na ang kanyang tiyan.
Napalabi na lang siya at saka marahang bumangon at umalis ng kama. Pagkabukas niya ng pinto ay muntik pa siyang mapatalon nang sumalubong sa kanya si Ira.
“Meila! You’re still up!” tila gulat na tanong pa nito. Ngumuso siya at nagkusot ng mga mata.
“I just woke up, Tita,” aniya sabay tingin sa wall clock na nasa sala.
Mag-aalas-diyes na rin pala ng gabi. Grabe, hindi niya namalayang ganoon pala katagal siyang natulog. Bandang alas-kwatro kasi ata siya nakatulog noong hapon tas alas-diyes na.
“Good thing you’re awake! Halika!” Agad na nagsalubong ang kanyang kilay nang hilahin siya ng Tita niya.
“Teka, bakit po?”
Hindi siya nito sinagot at tuloy-tuloy na hinila lang siya papunta sa bar counter nila.
“RJ, she’s here,” anito sa lalaking katabi ng kanyang Tita Mera na umiinom ng kape.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo at takang napatingin sa kanyang manager.
“Sir Rj, what are you doing here this late?” tanong niya at agad na umupo sa tapat na upuan. Sumunod ang kanyang Tita Ira sa kanya.
Kita niya pang nagtitigan ang kanyang manager at ang kanyang Tita Mera. Bumuntong-hininga ang kanyang manager at tiningnan siya.
“I’m here to fix this little problem, hija,” kalmadong sabi nito. Suminghap ang kanyang Tita Mera.
“What is so little about this problem?!” ismid pa nito.
Nakagat niya na lang ulit ang labi at napayuko na. Narinig niyang bumuga ulit ng hininga ang kanyang manager.
“Well, I don’t know what the network will do about this issue. They’re not speaking to me or to any manager. The memo was just to cut off all the pending mature shows - which includes yours. Wala nang ibang sinabi. Ni hindi nga nila kami kinausap! Nakakaloka! Tikom ang mga bibig nila sa balitang iyon! Kapag tinatanong, sinasabihan lang kaming maghintay ng further updates. Gosh! Hindi lang ako ang manager na stress dahil sa daming talents na nawalan ng lead role! Imagine, halos sampu kayong mga artista sa iba’t ibang shows at lahat ng iyon ay kinancel kahit pa iyong mga ready to air na.”
Naikuyom niya na lang ang kanyang mga kamay. Hindi siya makaangat ng tingin dahil hindi rin naman niya alam ang kanyang sasabihin. Narinig niyang umungot ang kanyang Tita Mera.
“Seriously?! At ano ang eere nila, ha?! Can they sustain themselves?!”
“Ugh! I don’t know, Madame. Ang usap-usapan mag-i-air daw ng mga lumang shows, iyong mga hit noon.”
“Huh. Really, now? This is unbelievable! Paano na ang pamangkin ko?!”
“Well, siguro naman may ibang projects para kay Meila, Rj?” Narinig niya ang kanyang Tita Ira.
Bumuga siya ng hininga at napatitig na rin sa kanyang katabing tita.
Hindi agad sumagot ang manager niya. Halos sabay pa silang bumaling ng Tita Ira niya rito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “What? So what’s my new project, then?” tanong niya.
Hindi agad sumagot si Rj. Isa-isa pa sila nitong tiningnan, parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano sasabihin. Bigla siyang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito sa kanila.
“What? What’s my new project, then? What’s our way out? I cannot be stuck in this, right? We need alternatives, right?” sunod-sunod niyang sabi, pabilis nang pabilis na ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam pero mas lalo siyang kinakabahan.
It’s as if mas malalang problema pa ang sasabihin ng kanyang manager. She hates it when her gut is like this. Most of the time pa naman ay tama ang nagiging kutob niya!
“What is it, Rj? What is her alternative now?” sabat na rin ng kanyang Tita Mera, naiinip na rin.
Nakatingin na silang tatlo ngayon sa kanyang manager. She was biting her lips, and her hands were clenched into fists.
Huminga nang malalim si Rj. Tila humuhugot ito ng lakas para sa dapat nitong sabihin.
“Well, iyan ang problema...iyan din ang dahilan kung bakit ako nandito…” nag-aalangang sabi nito.
“What is it?!” Her Tita Mera.
Napalunok siya. Huminga nang malalim ang kanyang manager. “No directors and producers are willing to take the talents that were supposed to do the roles. They have this suspicion na baka alam daw ng mga talents. They don’t wanna be involved. Almost all of them already issued statements na wala silang kinalaman sa kung ano mang rumor na kinasasangkutan ng network.”
Nanlaki ang mga mata ni Meila at napasinghap. “What the hell?! How are we supposed to know that?! At bakit nila iniisip na isa-subject namin ang mga sarili namin sa ganoon?! If ever, we’re also a victim here! What the hell?!”
Nasapo niya ang dibdib.
‘I just cannot believe this! How can some people have that kind of mindset?! What the hell is wrong with them?! How can we even be a part of that freaking issue?! We didn’t even know a thing!’
“Oh my god, so what are we gonna do?!” Mera was hysterical already.
Sobrang dami nang sinasabi ng kanyang tita at gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Nanghihinang napasandal na lang siya sa likod ng upuan. Ang Tita Ira niya ay nag-abot sa kanya ng tubig. Lumunok siya habang pinapakinggan ang bangayan nina Mera at Rj.
“You cannot let this happen, Rj!”
“I am not, Madame! Certainly not! Meila is my most prized talent! Syempre gagawan ko ng paraan iyan!”
“Pwes, gawan mo na! Anong gagawin natin?!”
“Yes, madame. Kaya nga ako nandito, ‘di ba? I’m here for a new gimmick!”
Doon siya napatingin sa manager.
“Gimmick. What gimmick?” tanong niya.
Huminga nang malalim si Rj. Isa-isa sila nitong tiningnan bago pumirmi ang tingin nito sa kanya. Isang kakaibang ngisi ang namalagi sa labi nito. “You’re entering the world of Vlogging, Meila. At para mailihis ang pangalan mo sa kontrobersyang ito, you’re gonna rebuild your image and go back to college. It will be your own lifestyle show. Ikaw ang bida, ikaw ang mamamahala.”
And that’s when her mission started.
****
“So, it’s freaking true?! Oh my gosh! Nandito ka nga!” Isang irap ang isinagot ni Meila sa kanyang kaibigang si Mindy.
“Does it look like I have a choice, huh? I cannot even believe this! Hindi ko pa rin ma-gets iyong plano ni Rj!”
Ipinagkuros niya ang mga braso at mga hita. Inayos din niya ang shades na suot. Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng eskwelahang papasukan niya, which happens to be the university kung saan nagtuturo si Mindy. Well, magkaiba sila ng department dahil nasa college siya at nasa high school ito. Ngayon siya mag-e-enroll at kasa-kasama niya ang kanyang video team para sa launching ng kanyang vlog s***h lifestyle show. Well, hindi pa talaga start ngayon kasi magpapa-enroll pa lang siya. Montage pa lang ang isho-shoot and everything. Hindi niya rin alam kung paano napapayag ni Rj ang school na makapag-shoot siya.
Hindi nga siya makagalaw masyado kasi halos lahat ng mata nasa kanya kahit na naka-shades siya.
“Oh, gosh, kaya naman pala iyong mga students ko usap-usapan itong gimik mo, sis!” Napasipsip na lang si Mindy sa hawak na frappe.
Napailing na lang si Meila at napahawak sa kanyang noo. Nasa may sulok sila kaya medyo private at may mga nagbabantay rin namang mga guards sa kanila kaya hindi makalapit ang mga estudyante.
“I really don’t know how am I even going to survive this, you know. But my career is at stake here, hell, I'll do everything to get out of the mess, no! Nakakainis pa na hindi nagsasalita iyong network namin. It's frustrating!" rant niya.
Bumuntong-hininga lang ang kanyang kaibigan at saka tumango rin sa kanya.
"Nakakaloka nga 'yan, sis. But anyway, let's just hope na this will really click, no. And look at the bright side na lang! Maipagpapatuloy mo na rin ang pag-aaral mo!" Pumalakpak pa ito sa kanya.
Sumimangot siya.
“You know I don’t like going to school, mas lalo na ang ganitong set up, no!”
Umirap si Mindy sa kanya. “But you have no choice! You have to like it, duhh!” Napabuntong-hininga na lamang siya. Mindy’s got a point. “Anyway, malapit na ang next class ko. I’ll leave you na, ha. Magpa-enroll ka na,” sabi pa nito at saka tumayo na. Tumayo na rin siya para sumabay rito.
Pagkaalis nila roon at pagkalabas ng cafeteria ay agad siyang sinalubong ng mga fans. Abot-tengang ngiti naman ang iginawad niya sa mga ito at kinawayan pa sila. Kumaway na rin siya kay Mindy at pinauna na ito.
“Pwede pong pa-picture?”
“Pa-picture naman po, Miss Meila!”
“Meila, let’s take a pic!”
Mas lumawak ang ngiti niya sa mga ito. “Hi! Sure, I’ll accommodate some. Iyong iba, next time na lang, ha? I need to enroll pa kasi,” aniya sa mga ito. Agad na nagsitanguan naman ang mga fans niya. Nakalimang pictures yata siya sa iba’t ibang fans bago siya tuluyang nakaalis doon.
Inayos niya ang kanyang cap at shades tapos ay nakapamulsang naglakad na papunta sa registrar. Kasunod niya ang kanyang team. Para siyang nasa isang teleserye kung saan siya ang babaeng tinitingala ng lahat. Everybody was looking at her like she was some model on the runway. Para rin naman kasi siyang rarampa sa isang fashion show sa suot niyang floral shirt na in-insert niya sa isang puting high waist shorts at pinaresan pa niya ng kanyang Gucci Rhyton sneakers.
Hindi niya winala ang ngiti sa labi hanggang sa makarating na siya sa pila ng registrar. Kahit na gusto niya nang magreklamo sa taas ng pila ay pumila pa rin siya at pinanatiling maaliwalas ang mukha.
She was never a fan of doing these things. Sanay kasi siyang iyong mga Tita niya ang gumagawa ng mga ito para sa kanya. At sa estado niya sa showbiz, hindi siya pinaghihintay ng kahit na sino. Ginagawa rin naman niya ang kanyang best para hindi maghintay ang mga kasama niya.
‘Gosh, kailan ba uusad ang pila na ito?’
Ipinaypay niya ang kamay sa kanyang mukha habang pilit na inaayos ang mukha niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang siya na ang nasa harapan ng counter.
“Hi, I’m her-”
“Excuse me, Miss, can you please validate these forms for me. It’s urgent.”
Hindi makapaniwalang napanganga si Meila nang may biglang sumingit sa kanya. Mabilis niyang tiningnan ang lalaki.
‘What the heck?!’
Itinikom niya ang bibig at kinalma ang sarili. Lumunok siya at pinasadahan pa ng tingin ang lalaki. Naka-clean cut ang black nitong buhok, nakasuot ito ng glasses, naka-navy blue na polo shirt at brown na pants. Naka-brown pa itong leather shoes.
Napangiwi na lang siya. She cleared her throat and flashed her sweetest smile. “Uhm excuse me, I was in - “
“Thank you, Miss.”
Hindi na naman niya natapos ang sasabihin nang makuha na ng lalaki ang itinanong nito. Ni hindi man lang siya nito binalingan at agad na itong tumalikod. Napasinghap na lang siya sa sobrang pagka-shock.
‘What the hell?! Seriously?! I cannot believe this!’