HINDI maialis ni Allen ang tingin kay Ira habang nag-aayos ito sa harap ng salamin. Kagigising niya lang mula sa mahimbing na pagkakatulog at mas naunahan pa rin siya ng dalaga na magising. Samantalang hindi naman napansin ni Ira ang pagdilat ng mga mata ni Allen. Kanina niya pa kasi ito ginigising para kumain at makainom ng gamot, pero mukhang tulog na tulog ang binata. Hinayaan niya na lang ito at dahil walang ibang magawa ay nag-ayos na lang siya ng sarili. Maaga kasi itong nagising kanina para maligo at makapagluto. Hindi niya naman naabutan si Manang Norma at alam niyang binantayan niya rin si Riley. Siya na ang kusang kumilos sa baba at para naman makapagpahinga rin ang matanda sa kusina. "Saan ka pupunta?" Halos mapatalon sa gulat si Ira nang marinig niya ang pagsalita ni Allen.

