PAREHAS silang napatingin sa may rear view mirror at nakita nila ang pulang kotse na nakasunod sa kanila. Sinubukan ni Allen na mas bilisan pa ang takbo nila at pumasok sa ibang kotseng kasabayan niya. Akala niya ay nagbibiro lang ang dalaga sa sinabi nito, pero nang makumpirma niya mismo ay pinabilis niya pa ang takbo ng kanilang sasakyan. "Ayoko pa mamatay," paulit-ulit na bigkas ni Ira sa kaniyang sarili habang nakapikit at nakahawak nang mahigpit ang isang kamay sa seatbelt at ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa railing sa taas. "Ate Rissalyn, huwag mo muna akong kunin dahil kawawa sila mama at papa. Walang mag-aalalaga sa kanila kapag nawala ako." "Tsk," rinig na singhal ni Allen. Alam niyang kinakabahan ang dahil ito pa lang naman ang unang beses na nangyari sa kanila. Iniis

