Chapter 89

1041 Words

HINDI maalis ang mainit na tensiyon habang nakatayo at nakatingin sa isa't isa sina Alyanna at Denver. Parehas silang nag-aapoy sa galit at walang sino man ang makapipigil sa kanila. "Enough of this!" sigaw ng pinakamatanda sa lamesa. Napatingin naman ang lahat kay Mamala nang magsalita ito. Unang beses pa lang nila narinig ang sigaw na parang napuno na ito sa mga pinanggagawa nila. Kahit kailan ay hindi pa nila narinig na pagsabihan ng matanda ang anak nitong si Denver lalo na at alam nito ang kaniyang pinagdaanan. Alam niyang hindi rin naging madali sa nakatatandang anak ang mga nangyari sa kaniya noong maiwan sila ng kanilang tatay. "Ano ba ang pinunta niyo rito lahat? Akala ko ba nandito kayo para sa birthday ko para magsaya?" Hindi naman napigilan na mapayuko ang lahat. Ginagalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD