HINDI mapakali si Ira sa kaniyang inuupuan habang nakatingin sa cellphone niya na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Kanina niya pa pinag-iisipan kung tatawagan niya ba 'yong number ni Allen o hindi. Paano kapag pinatay lang 'yong tawag niya? Paano kung hindi sagutin ni Allen? Paano kapag tinanong kung sino siya? Anong sasabihin niya? Na siya 'yong babaeng binunggo niya o siya 'yong babaeng nanghingi ng number niya? Ginulo niya ang kaniyang buhok at napapailing. Gulong-gulo na siya at anytime baka sumabog na ang utak niya kakaisip kay Allen. Pwede naman sigurong idahilan na kulang 'yong perang binayad niya para sa pagpapaayos ng kotse. Pwede naman siguro 'yon kahit na hindi naman siya ang may-ari. Ilang buwan na ba ang nakalipas noong nabangga sila? Isa... dalawa... tatlo? Baka hindi na si

