HABANG mahimbing na natutulog sina Ira at Riley ay hindi naman mapakali si Allen sa kaniyang hinihigaan. Kung ano-ano na ang gumugulo sa isip niya dahilan kung bakit hindi ito makatulog. Naalala niya 'yong sinabi sa kaniya ni Aiselle sa party at alam niyang hindi talaga titigil ang dalaga kung hindi makukuha si Riley. Tinignan niya ang kaniyang mag-ina at nangakong kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya ang dalawa. Hindi niya hahayaang pumili ng isa dahil parehas silang mahalaga sa kaniya. Tumayo ito at lumapit sa cabinet para hanapin 'yong mga papel na iniwan sa kaniya ni Aiselle noon kasama ang bata sa tapat ng condo. Maaari niya 'yon gamitin laban sa dalaga. Noon pa man ay binigay na sa kaniya ang responsibility nito bilang nanay at tatay sa bata. Natigilan si Allen sa paghahanap

