Chapter 160

1305 Words

HINDI mapakali si Ira sa kaniyang puwesto. Kanina pa dapat siya nasa loob ng silid para ayusan, pero hanggang ngayon ay nakatayo pa rin siya sa may labas. Pabalik-balik ang tingin niya sa hawak niyang cellphone at sa may pintuan ng entrance at nagbabakasali na dumating 'yong taong kanina niya pa hinihintay. Nangako kasi si Allen na pupunta pagkatapos ng kaniyang trabaho. Ilang oras na at alam niyang tapos na ang binata. Nagtataka lang siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ang binata. Ito na 'yong araw na ipapakita niya ang kaniyang gawa sa buong mundo kaya naman isang malaking achievement niya ito at gusto niyang makasama si Allen sa makukuha niya. Nitong mga nakaraang araw ay si Allen lang ang nagpapalakas ng loob niya. Aminin niya man o hindi sa sarili ay hindi niya na kakayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD