HINDI makagalaw si Ira sa kaniyang kinatatayuan nang makaharap si Alyanna. Samantalang tinignan naman ito ni Mrs. Ramirez na para bang nagtataka kung sino ang babaeng kasama ng kaniya anak. "Mom," pagtawag ni Allen sa kaniyang nanay. Napaharap naman sa kaniya si Alyanna habang magkasalubong pa rin ang dalawang kilay nito. "Who is she?" pagturo nito kay Ira. Iniiwasan naman ng dalaga na maka-eye contact ang nanay ni Allen. Iniisip niya na baka may tanungin ito sa kaniya at hindi niya alam kung paano sasagutin. Ang mas nakabubuti ay kung tumahimik na lang ito katulad ng sinabi sa kaniya ni Allen kanina. "G-Girlfriend ko p-po," nauutal na sagot ni Allen. Hinawakan niya naman sa bewang si Ira at pilit na ngumiti sa harapan ng kaniyang nanay. "Really?" Nakataas ang isang kilay ni A

