Chapter 71

2059 Words

NAPANGISI si Allen nang mapadako ang tingin niya sa isang studio na nadaanan nila. Naisip niya kaagad si Ira na tinitignan ang family picture nila kanina. Sa isip ng binata ay siguro naman ay puwede silang magkaroon ng picture na kuha nilang tatlo. Sabihin na lang na memories para sa kanilang dalawa na dumating sila sa ganitong sitwasyon na kinailangan nila ang isa't isa. "Dito ka lang, ah," paalala ni Ira sa binata. Kailangan kasi nilang pumunta sa banyo para palitan ng bagong diaper si Riley at para makapagbanyo na rin si Manang Norma. "I know, Ira. Ginawa mo naman akong bata. Don't worry hindi ako mawawala at kung mawawala man ako ay sa iyo pa rin ako babalik." Umikot naman ang mga mata ng dalaga dahil nagsisimula na naman sa pinagsasabing kalokohan si Allen. "Ang dami mong sinabi,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD