Chapter 83

1013 Words

NAKATINGIN si Allen kay Ira simula pa kanina noong magsimula itong maglagay ng kaniyang mga damit sa loob ng bag. Naayos na kasi ang gamit ni Riley kaya 'yong sa kanila na lang ang pinagtutuunan nila ng pansin. Napatigil lang sa ginagawa ang dalaga nang mapansin niyang wala pang balak tumayo at kumilos ang binata. Ayaw niya namang paghintayin ang mga magulang ni Allen sa baba dahil alam nilang hindi pa sila maayos sa isa't isa. "Hindi ka pa ba kikilos?" tanong ni Ira sa kaniya at isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Allen. Binitawan ni Ira ang damit na hawak niya at lumapit kay Allen para umupo sa tabi nito sa may couch. "Anong problema, Allen?" "Hindi ko lang maintindihan," nawawalang ganang sabi ni Allen. "Ha? Anong hindi mo maintindihan?" naguguluhang tanong ni Ira sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD