NAGISING ang dalaga ng may ngiti sa labi. Hindi niya alam kung bakit ang saya ng gising niya. Hindi niya lang naman makalimutan ang pag-uusap nila ni Allen kagabi na kahit sa panaginip ay dala-dala niya ito. Kahit simpleng usapan lang ay para bang ang lakas ng impact nito sa kaniya. Wala na sa tabi niya sina Riley at Allen. Nang maayos ni Ira ang higaan ay siya naman pag-aayos niya sa kaniyang sarili. Pagkatapos ay lumabas na rin ito ng sili. Alas otso na ng umaga kaya naman mula sa taas ay rinig na ang mga pag-uusap at tawanan sa baba. Mukhang kanina pa gising ang iba niyang kasama sa bahay. Mula sa taas ng hagdan ay napatigil siya nang mapadako kaagad ang mga mata niya sa nanay ng binata. Naalala niya na hindi lang pala sila ngayon ang nandirito. Kailangan niya pa rin pa lang umarte na

