NATIGILAN ang dalawa nang makarinig ng mahihinang katok. Namumula ang kanilang mga mukha nang magkahiwalay sila at hindi makatingin ng diretso sa mata ng isa't isa. "A-Ako na ang magbubukas," nauutal na sabi ni Allen habang hindi nakatingin kay Ira. "O-Okay," simpleng sagot nito at sinundan lang ng tingin si Allen hanggang sa makalapit sa pintuan. Hindi alam ni Ira kung anong gagawin. Inikot niya ang kaniyang tingin para maghanap ng pagtataguan dahil sa sobrang hiya. Ano ba talaga ang nangyari? Napatigil ang tingin niya nang makita ang sarilis a reflection ng salamin. Suot niya pa rin ang damit na inihanda sa kaniya ng magulang ni Allen. Hindi pa rin natatanggal ang make-up na inilagay sa kaniya ng make-up artist kanina, pero sobrang pula naman ng kaniyang mukha. Anong idadahilan niya

