SAKTONG pagdating ni Allen ay siya namang pagbulagta ni Jhoyce sa kaniyang kinauupuan dahil sa kalasingan. Natapos niya na ring painumin ng gatas si Riley at katatapos lang din ni Isabela magluto ng kanilang kakainin para mamaya. Katulad ni Isabela ay nagulat din si Allen nang makita ang nagkalat na mga beer can sa ibabaw ng lamesa at kahit sa sahig nito ay napuno na rin ng mga kalat. Hindi niya rin inaasahan na nandito si Jhoyce dahil ang pagkakaalam niya ay pupuntahan ito ni Ira. Kaya pala hindi na nag-text sa kaniya si Ira para balitaan sa nangyari. "Hindi ka na natuloy?" bungad ni Allen at hinalikan sa noo si Ira bilang pagbati at sinundan niya ng halik ang kaniyang anak. Inilagay niya naman ang gamit sa may couch para mabuhat si Riley. "Hindi na. Inunahan niya na akong puntahan,"

