ILANG araw na kulang sa tulog si Ira simula noong ma-meet niya ang client na sinasabi ni Allen. Binigyan lamang siya ng isang buwan para i-design ang damit na gagamitin para sa ramp show kaya naman halos hindi na siya makagawa ng iba pang gawain dahil doon. After a week ay kailangang may ma-i-present na siyang outline ng damit. Inayos ni Allen ang kabilang kuwarto para kay Ira. Inilipat na rin doon ang mga binili niya sa dalaga na nanggaling pa sa condo unit nito. Halos araw-araw na rin siyang dinadalhan ng pagkain doon ng dalawang katulong. Sa tuwing uuwi naman si Allen ay nasa working room niya pa rin nadadatnan si Ira at kung minsan ay magigising na lang ang binata na mas maaga pang nagigising sa kaniya si Ira. Huling araw na ang dalaga sa pag-outline. Hanggang ngayong ay hindi pa rin

