NAPATINGIN si Allen sa may pintuan nang pumasok ang dalaga. May buhat itong mga bag na ginamit nila noong nagbakasyon sila sa probinsya nina Ira. Kasalukuyang hawak ni Allen ang kaniyang phone at kinakausap ang kaniyang kaibiga. Iyong pumunta kanina na tinutukoy ng kaniyang ina ay mga guard na kinuha niya para magbantay sa pamilya nito. Kinausap ni Allen na i-pull out muna ang mga kinuha niya dahil nandiyan pa ang nanay nito at baka magtaka kung anong nangyayari. Ayaw niya naman ipaalam ang sitwasyon sa magulang dahil paniguradong si Alyanna pa mismo ang gagawa ng paraan para lang maging safe sila. Bukod pa roon ay baka tuluyang malaman ni Alyanna ang tungkol sa nangyayari sa pamilya niya. Napatigil si Allen sa paggamit ng kaniyang cellphone nang makita ang pagngisi ng dalaga. Sa isip ni

