“FOLLOW me.” Sinundan lang ni Prix ng tingin ang palabas na si Ace. Hindi siya tuminag mula sa kinauupuan. Wala na ito nang magising siya at ilang oras na ang nakakalipas. Ngayon lang ito bumalik. Ni hindi man lang ito nag-iwan ng note na nagsasabi kung saan ito pupunta o kung kailangan ba nito ng ransom. Dahil kahit ayaw aminin ni Prix sa kanyang sarili, nag-aalala siya sa binata lalo na at tila mas lalo pang lumakas ang ulan. Hindi tuloy siya nakakain nang maayos kaninang umaga. Tapos bigla na lang itong susulpot at sasabihing, ‘follow me’? Napakunot-noo si Ace nang hindi kumikilos si Prix sa kinauupuan. “Hindi mo ba ako narinig?” “Narinig kita.” “Then kumilos ka na riyan. Nagmamadali ako.” Humalukipkip lang si Prix. “Ayoko.” “Ano na naman ang problema?” “Wala.” “Prix.” “Don’