“TUMAWAG ang Spade International, Prix,” masayang salubong ni Terry, ang assistant ni Prix sa photo studio na pag-aari niya. “Sabi ng sekretarya ni Mr. Morales, ipinapatawag ka raw ng amo niya dahil gusto kang makausap tungkol sa ibinigay nilang assignment sa iyo.” “Nagkausap na kami ni Myrna tungkol doon, ah. Hindi ko kasalanan kung kaunti lang ang mga pictures na nai-submit ko sa kanila.” “Ewan ko rin, eh.” Tiningnan siya nito nang makahulugan. “Baka nami-miss ka lang ng boyfriend mo. Hindi mo naman kasi dinadalaw man lang sa office niya si Mr. Ace of Spade.” Kunot-noo niya itong tiningnan. “Saan mo naman napulot ang tsismis na iyan?” “Oy, hindi tsismis iyon. Nasa tv at social media iyon. ‘Mr. Ace of Spade and his Mystery Woman.’” Binuksan ni Terry ang computer at ipinakita kay Pri