ANIKA Nakasimangot ako at mahaba ang nguso habang nakahiga sa kama at katabi si Leo. Nainis ako sa kaniya, pero hindi naman siya umalis sa tabi ko kahit pinaalis ko siya. Napapadyak tuloy ang aking mga paa dahil biglang nawala ang antok na aking nararamdaman kanina. Hindi na rin ako inaantok dahil nangingibabaw ang inis na nararamdaman ko sa kaniya. “Leo!” Malakas ko siyang tinapik sa braso dahil hindi ako makatulog. Kanina ko pa naiisip ang maasim na lansones, kaya bumangon ako at muli siyang tinapik sa balikat. “Lumabas ka muna,” sabi ko sa kaniya kasabay ng sunod-sunod na pagtapik ko sa kaniyang balikat. “Bakit?” inaantok na tanong ni Leo sa akin. “Bumili ka ng lansones ngayon na!” “Anika—” “What? Ayaw mo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. “Okay, I'll buy. Huwag ka

