ANIKA Pinanood ko sa hawak kong cellphone nang sumakay si Harold kasama sina Claire at Clara. They looked happy and excited sa pupuntahan nila dahil alam nila na makikinabang sila doon at malaki ang makukuha nilang kapalit sa pagpunta nila sa KM Corporation. Nakasuot ng uniporme si Clara, pero alam ko na bago sila makarating sa lugar na kanilang pupuntahan ay magbibihis muna ang babae ni Harold dahil nakita ko rin sa hidden camera na naglagay siya ng ilang paper bag sa loob ng kotse ng taksil kong asawa. Ang akala nila ay maloloko nila ako, pero ang hindi nila alam, napanood ko ang bawat detalye ng pag-alis nila at nalaman ko rin kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Ang hindi alam nina Clara at Harold ay ipinain ko na sila at matitikman nila ang bangis ng aking pamilya. Wala silan

