MAYUMI POV
Pinagmamasdan ko matulog si Baby Brenda. Hindi ko mapigilan ang sariling mapaiyak habang inaalala ang baby ko.
Sayang dahil hindi ko maipaparamdam sa anak ko kung gaano ko siya kamahal. Bakit ba kasi kailangan mangyari ito sa akin.
Deserve ko ba talaga ang masaktan. Lahat ba ng taong mahal ko kailangan mawala sa akin.
Hindi ko matanggap na wala na ang anak ko. Naisip kong lumabas ng kuwarto. Baka kasi magising ang bata.
Nilibot ko ang buong bahay hanggang sa mapunta ako sa Room ni Yohan. Pagkabukas ko namangha ako sa nakita.
Maganda ang interior design ng silid. Bagay na bagay kay Yohan.
Napako ang tingin ko sa picture frame. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Nasa litrato ang kapatid ko na karga si Baby Brenda kasama si Yohan.
Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng inggit.
Sa aming magkapatid mas pinagbubuhusan ng oras at atensyon si Blair kaysa sa akin. Nakukuntento na lang ako na pagmasdan lahat ng meron siya.
Naiingit ako dahil mahal na mahal siya ni Yohan. Simula ng makita ko si Yohan. Nakaramdam ako ng pagmamahal sa kanya.
Na love at first sight ako sa kanya pero hindi pwede ang nararamdaman kong ito dahil malapit na syang ikasal sa kapatid ko.
Ang tanging magagawa ko na lang ngayun ay icareer ang pagiging nanny ng anak nila.
Habang hindi pa bumabalik si Blair. Ako muna ang mag-aalaga sa anak niya. Tutulungan ko si Yohan na alagaan ang anak.
Nagising si Baby Brenda. Natutuwa ako kapag pinagmamasdan siya. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko kay baby.
Siguro dahil pamangkin ko siya. Kaya natural lang ang feelings kong ito. Pagdating ng hapon.
Saktong nakaluto na ako ng dumating si Yohan. Kinuha niya sa akin si Baby.
"Hi baby, did you miss daddy?" Aniya sa bata. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila.
"Sir, nakaluto na ako. Kain ka na muna. Ako muna ang bahala kay Baby." Saad ko. Ngumiti sa akin si Yohan. Kinuha ko na sa kanya si Baby.
"Sabay na tayong kumain." Umiling ako.
"Naku wag na sir. Susunod na lang ako kapag tapos ka na."
"Huwag ka mahiya sa akin. Tara na." Wala akong nagawa kundi gawin ang sinabi niya..
Hawak ko sa isang kamay si baby habang si Yohan naman ay tinambakan ng pagkain ang plato ko.
"Sir, ang dami naman nito." Ani ko. Ngumiti siya.
"Okay lang yan. Kumain ka ng marami para may lakas ka para alagaan ang anak ko." Sagot niya.
Nagsimula na kaming kumain. Isang kamay ang gamit ko sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain. Sasabihin ko sana na ako na ang maghuhugas ng ligpitin ni Yohan ang pinagkainan namin at nilagay sa lababo. Siya na ang naghugas ng plato.
Dinala ko na sa kuwarto niya si baby. Sumunod si Yohan. Binigay ko na sa kanya si baby.
"Nga pala anong pangalan mo?" Tanong niya.
Napaisip ako hindi ko pwedeng sabihin kung sino ako.
"Ako po si Yumi Reyes." Sagot ko.
Reyes ang middle name ko. Hindi ko pwedeng gamitin ang Arizala dahil baka magpabackground check siya at malaman niyang magkapatid kami ni Blair.
"Are you single or married?"
"Single sir."
"Wala ka bang balak mag-asawa?" Natawa ako.
"Wala pa sa isip ko 'yan Sir."
"Ganun ba." Natahimik ako hanggang sa may naisip akong itanong.
"Sir, nasan po pala ang mommy ni baby brenda." Napatigil si Yohan.
"She left me. Sabi niya sa akin. Hindi pa siya handa maging ina. Kaya iniwan niya ako pati si baby. Pero naiindihan ko kung bakit hindi pa siya handa. Hihintayin ko ang pagbabalik niya."
Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Yohan. Naku blair bakit kailangan mong gawin ito sa mag-ama mo.
Dahil sa ginawa mo blair nasasaktan ngayun at mag-isa si Yohan sa pag-aalaga sa anak niyo.
"Sir, siguradong babalik si Ma'am blair. Walang ina na hindi matitiis ang anak."
"Sana nga Yumi."
"Matulog ka na. Ako na ang bahala kay Baby." Dagdag niya.
"Sigurado ka sir?" Tanong ko.
"Oo. nga pala dun ka sa kabilang kuwarto para kapag kailangan kita madali kitang matatawag."
"Sige sir." Tumalikod na ako. Naglakad na ako palabas bago 'yun muli kong sinilip si Yohan. Hiniga niya na si baby sa crib.
Nagpunta na ako sa kabilang kuwarto. Binagsak ko ang katawan sa malambot na kama.
May maganda din nangyari sa akin.
Bigla kong naalala na wala pala akong dalang ibang damit. Isang pares lang ang lagi kong dala-dala kapag umaalis ako. Tinawagan ko ang kaibigan ko na kung maaari dalhin dito sa bahay ni Yohan ang mga gamit ko na naiwan sa apartment niya.
Naghalf bath ako at ready na sa pagtulog.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng iyak ng bata. Halos hindi matigil sa pag-iyak si Baby kaya naisipan kong puntahan silang mag-ama.
Naabutan ko si Yohan na hindi alam ang gagawin. Kinuha niya sa crib si baby at hinele. Kahit anong gawin ni Yohan ayaw matigil ang bata sa pag-iyak.
Lumapit na ako sa kanya.
"Sir, ako na." Napatingin sa akin si Yohan.
Kinuha ko na sa kanya ang bata. Binigay sa akin ni Yohan ang natimplahan ng gatas ni Baby.
Ayaw dumede ni baby kaya napakamot ng ulo si Yohan. Muling lumakas ang iyak ng bata.
"Pasensya ka na at naistorbo ka pa namin ni baby. Basta kapag ganitong oras ang hirap niyang patulugin." Nahihirapang aniya.
"Ayaw niya dumede sa bote sir." Sabi ko.
"I know may times na ayaw niya. Anong magagawa ko eh wala ang mommy niya na pwedeng magbreast feed sa kanya." Problemadong aniya.
"Huwag ka mag-alala sir. Pwede ko siyang ibreastfeed." Sagot ko.
Naupo ako sa gilid ng kama at sinimulan ng ibreastfeed si baby. Napatigil sa pag-iyak ang bata kaya nakahinga ng maluwag si Yohan.
"Thank you Yumi." Nakahinga siya ng maluwag.
"Teka may anak ka na?" Tanong niya.
"Nagkaroon ako ng anak Sir pero nawala din siya." Malungkot kong sabi.
"Oh i'm sorry." Aniya.
"Okay lang sir." Tipid na sagot ko.
Ang hirap ng sitwasyon ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na siya ang ama ng namatay kong anak.
Natahimik kaming dalawa hanggang sa makatulog si Baby.
"Sir, tulog na si baby."
Iaabot ko na sana si baby sa kanya ng sadyang mahawakan niya ang kamay ko. Nagkatinginan kami. Ako ang unang umiwas ng tingin.
Nakuha niya na sa akin si baby. Tumayo na ako. Hinarap ako ni Yohan pagkatapos niyang ilagay sa crib si baby.
"Thank you Yumi."
"Wala yun sir. Sige po matutulog na ako." Paalam ko.
Bumalik ako sa kuwarto pero hindi na ako nakaramdam ng antok kaya naisipan kong bumaba at magtimpla ng kape.
Hindi ko inasahan na makita si Yohan na umiinom mag-isa. Nilapitan ko siya.
"Oh Yumi. Hindi ka makatulog?" Tanong niya.
"Ah opo sir."
"Cut the opo We just same age. Just call me Yohan." Aniya.
"Sige Sir."
"-Yohan." Pagtama niya. Tumango ako at Ngumiti.
"Yohan.." Pag-uulit ko.
Nag-timpla na ako ng kape. Tumabi ako sa kanya.
"Kwentuhan mo ako tungkol sa buhay mo." Napatingin ako sa kanya.
"Dalawa kaming magkapatid. Ako ang panganay. Hindi ako close sa pamilya ko." Sabi ko at nanumbalik sa isip ko lahat ng naranasan ko.
"Why?" Takang tanong nito.
Mapait akong napangiti.
"Malayo ang loob ko sa magulang ko simula ng bata palang ako. Mas natuon ang atensyon nila sa kapatid ko kaysa sa akin. Simula noon hindi na ako umaasa na kikilalanin nila ako bilang parte ng pamilya nila. Binuhay ko ang sarili ko ng walang tulong nila."
"Then?"
"Hanggang sa nabuntis ako. Alam nila at gusto nilang ipalaglag ko ang anak ko. Umalis ako sa amin at tinuloy ang pagbubuntis ko pero sa kasamaang palad iniwan din ako ng anak ko."
Naramdaman ko ang init ng palad ni Yohan na humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
Pinahid niya ang luha ko. Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako.
"You should proud of yourself because you didn't asked for your parents help. You stand up of your own. Kung nasaan man ngayun ang anak mo. Siguradong proud siya sayo dahil tinuloy mo ang pagbubuntis sa kanya. Hindi mo pinakinggan ang gusto ng magulang mo na dapat mong gawin."
"Kahit anong sabihin nila. Ang anak ko lang ang meron ako pero ngayun wala na siya." Napayuko ako. Muling nanubig ang mata ko.
Hinawakan ni Yohan ang mukha ko. Sunod ko na lang namalayan na dumampi ang mainit nyang labi sa akin.
Napapikit ako at dinama ang halik niya sa akin.
Tama ba na hinayaan ko siyang halikan ako. Tama ba na magustuhan ko ang paraan ng pag-halik niya sakin. Nawala sa isip ko na dapat ay Nanny lang ako sa buhay nilang mag-ama pero eto ako at naging marupok sa harap ni Yohan.
Mapipigilan ko pa ba ang sariling mahulog kay Yohan gayung may hinihintay siya at walang iba kundi ang kapatid ko.