(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW) HINDI mapakali si Kaislr, nanginginig siya habang naglalakad papunta sa morgue. Tama, namatay ang anak nila ni Cordy, sa 'di niya alam na dahilan at ngayon, comatose naman si Cordy dahil sa heart attack na dinanas nito habang nanganganak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. He never prayed for this. Oo, ayaw niya si Cordy at ayaw niya ang gulong nangyari sa kanilang dalawa pero hindi ibig sabihin no'n na gugustuhin n'yang maglaho ang anak niya. Its his blood and flesh. It's his baby and he felt like its his fault. If he could have been more caring, more sensitive and stopped being selfish. Hindi niya alam, he doesn't have any idea that Cordy was sick and that being pregnant might actually kill or both of them. Kung alam lang n'ya, he could have done