CORDAVIA "CORDY" TILAPIA Ang akala ko ay tanggap ko na ang kapalaran ko. Ang akala ko ay tapos na akong umasa na aayon pa sa akin ang mundo. Tinanggap ko na, alam ko na sa buhay kong ito, sa aking present incarnation ay hindi ako magkakaroon ng happy ending. Natanggap ko na rin na ang isang bagay na nagsimula sa pagkakamali ay hindi magtatapos ng maayos. Na ang mga nangyayari sa akin ngayon ay isang uri ng karma. Na ako, na isang sakitin ay dapat na lang tanggapin ang kamatayan. Ngunit isang araw, bumalik ang aking ilusyon, at kumatok ito na tila ba isang uri ng realidad. Bumalik siya, at sinusubukang ibalik ang pag-asang binura ko na sa aking puso. Bumalik siya upang ipakita sa akin na pwede pa, at maari pa. Gustong- gusto ko panghawakan ang mga salita niya pero natatakot akong mahulog
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books