(MISCHA RIVER SARMIENTO'S POINT OF VIEW) "PUMASOK ka muna saglit," sabi ko sa babaeng nakatayo sa aking harap. Muli s'yang ngumiti sa akin, "Pasensya ka na nakakaabala ata sa'yo," sabi niya sa akin. Pumasok na s'ya sa loob at agad na umupo sa sofa, I understand it, she was panting a little and her tummy seemed to be heavy. Dapat nasa bahay lang s'ya pero pumunta pa siya rito. At saka, how is she related to Kaislr? "Hindi naman, ang fiancé ko ang kailangan mo diba?" tanong ko sa kaniya, muli s'yang ngumiti sa akin. "Oo, sana pero gusto kitang kausapin, hindi ko kasi s'ya matyempuhan sa company niya e kaya sa'yo ko na lang ipapabigay 'tong invitation. 'Yon lang ay kung 'di ako nakakaabala." "Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. Napunta ang attensyon niya sa niluluto kong p