CORDY TILAPIA'S POINT OF VIEW EMPTINESS, ilang araw na akong gumigising at puro 'yon ang sumasalubong sa akin. Bakit pa ba ako nabuhay? Doble- doble heartbreak naman ang binigay sa akin ng Diyos na tila ba ayaw na niya ako bigyan ng pagkakataon na maging masaya ulit. Sana kahit nabuhay lang si Baby AJ, sana kahit nahawakan ko man lang siya ngunit hindi 'yon ang nangyari. Sa tingin ko ay kasalanan ko rin ito. Bakit? Kasi naghangad ako ng impossibleng bagay. Hinangad ko ang pagmamahal ng isang taong impossible namang maging akin. Naghangad akong mabago ang buhay ko. Naghangad ako na pwede akong maging masaya. Pero hindi nagbago ang lahat, nothing changed. I just become more empty and I'm still dying. It's been a year since it happened. Everything came like a blow, I woke up being alone. I