--- Pinauwi ako sa mansion. Inikot ko ang mata ko sa loob. Walang pinag bago. Tulad pa rin ng dati. Pero kulang. Kulang na kulang. Wala na ang ugat ng bahay, wala na. Parehong sumuko. Pareho kaming iniwan ng ugat at hindi na alam ng mga bunga kung paano mag sisimula. Pero kailangan namin mag simula. "You should rest." tumango ako kay Nicho. "Dito ka na matulog. May guestroom dito or sa kwarto ko. Sa kwarto ako nila mama matutulog." tumango ito. Sabay kaming umakyat na dalawa. Pumasok s'ya sa kwarto ko ako naman ay sa kwarto ni mama. Malamig sa loob. Inikot ko ang mata ko sa loob. Walang nag bago sa loob ng bahay. Tulad pa rin ng dati. Tulad nong iniwan ko. Nag lakad na ko patungo sa kama. Agad kong binagsak ang katawan ko. Hindi ko maiwasan maluha ng makita ko ang picture namin la