Tumalikod na kami don at nag lakad pabalik sa table. Nagulat ako ng makita si Storm don pero wala si Sky. Tinuro ni Sai kung nasan si Sky at umiling sa akin to. Mukang hindi nakita ni Storm ang anak namin. Napatingin ito sa akin at mukang gulat pa ng makita ako. Pero mabilis lang ito umiwas kaya umiwas din ako ng tingin. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil lang sa tingin n'ya at masaya ako dahil wala akong nararamdaman na kahit anong galit sa kan'ya. Okay na ako doon, masaya na ako doon. Ayoko din mag tanim ng galit dahil mahirap umahon kung may galit ako mararamdaman. "You should check it, Kuya Raj. Have you ever read the contract? Where kuya Davin? He didnt read the contract! We might lose a millions because of this." Naiinis na sabi nito kay Kuy. "What do you mean? Can we meet tomor