Stephanie POV... "Ahhh yun naman pala pinakaba mo kami eh." Sabi ni Wateries at tumango naman ang iba. "Okey, malapit na tayo at ayun oh kita niyo na ang palacio." Ako habang tinuturo "Wow ang laki!!!!" I feel them ganyan din ako pagkarating ko dito pero mas malaki kina Hubby. Pero si Hubby pala hawak hawak pa din niya ang kamay ko na parang hindi na bibitawan pa. Mukhang takot na takot nga siya na mawala ako muli. Napatingin siya saakin at ngumiti at hinalikan ako sa kamay ko. Naglakad kami hanggang makarating kami sa gate. At nagtaka ako kung bakit ang dami ng karwahe dito. "Guys wait lang, mukhang di tayo makakadaan dito. Tara dito tayo." pumunta kami sa likod ng palasyo. "Oh asan ang daanan natin dito?" sabi ni wateries. Napangiti ako at sabay turo sa taas sa may kwarto ko.

