BIGLANG tumahimik ang isyu tungkol sa paglabas ng larawan ni Coleen at Franco. Tinigilan din siya ng mga haters niya matapos niyang magsalita sa media at inamin ang totoong ugnayan niya kay Franco.
Kasunod niyon ay nag-post din siya ng litrato nila ni Cedric sa i********: na kasama ang nanay niya. Ina-update niya lahat ng bonding nilang dalawa. Iyon ang paraang alam niya para tumahimik ang mga taong walang magawa kundi manira ng reputasyon ng iba.
Pagkatapos ng naunang project ni Coleen sa production company ay tumanggap na ulit siya ng bagong product endorsement. Malapit na ring matapos ang project niya na kasama si Franco. Nagdesisyon siya na tapusin na ang ugnayan niya sa binata. Nakuha na niya ang buong suweldo niya na naunang project kaya meron na siyang pambabayad sa balanse niya sa kotse. Ang tungkol sa construction ng bahay niya, ipapa-rush na niya ito.
Sabado ng gabi pagkatapos ng fashion show niya sa Calla ay tumambay muna siya sa lobby. Inaasahan niya na darating si Cedric bago siya malipasan ng gutom. Kahit papano’y maayos na ang relasyon nila ng binata.
Naiinip na siya dahil halos kalahating oras na siyang nakaupo sa couch. Panay ang sipat niya sa kanyang suot ng relong pambisig. Wala pa naman siyang dalang kotse dahil nasanay na siya na hinahatid-sundo siya ni Cedric.
Nang humilab ang sikmura niya ay tinawagan na niya ang kanyang kasintahan. Walang sumasagod sa kabilang linya. Inulit niya ng tatlong beses. Nang wala pa ring sumasagot ay nagdesisyon na siyang umalis. Traffic pa naman kaya siguradong mahihirapan siyang makasakay ng taxi. Ang guwardiya ng Calla ang nagboluntaryong mag-abang ng taxi. Tumambay lang siya sa lobby.
Sinubukan niya ulit tawagan si Cedric. Sa wakas may sumagot ngunit nawindang siya nang bumungad ang boses ng babae na nakasigaw pero biglang lumiit ang boses nito na tila lumalayo.
“Babe,” boses ni Cedric.
“W-where are you?” tanong niya.
“Uh… I’m here in our studio. Babe, sorry, hindi kita masusundo ngayon. May emergency meeting kasi kami ngayon,” sabi nito. Ang bilis nitong magsalita.
Naririnig na naman niya ang boses ng babae na papalapit. Kung hindi siya nagkakamali ay si Cedric ang kausap nito. Iniisip niya na baka manager nito o kaya’y co-model. Pumapalatak ito at natitigil naman sa pagsasalita si Cedric.
“Babe, sino ba ‘yang maingay riyan?” naiinis nang sabi niya.
“Uh… babe, I’ll call you later,” sabi nito at biglang naputol ang linya.
Bumuntong-hininga siya. Mamaya’y nilapitan siya ng guwardiya.
“Ma’am, meron na pong taxi,” sabi nito.
Tumayo na siya at binitbit ang kanyang paper bag. “Salamat,” aniya saka siya lumabas.
Habang lulan siya ng taxi ay naiisip niya si Cedric. Kahit nagkaayos na sila ay hindi nagbabago ang pagkakilala niya sa binata. Nagsisinungaling pa rin ito sa kanya. Ang sabi nito ay wala itong schedule sa modeling sa araw na iyon dahil may exam ito. Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili. Ayaw niyang maghiwalay sila ni Cedric pero wala siyang tiwala rito. Pakiramdam niya ay may mas malaki pa siyang problema na mararanasan sa piling nito. Minsan din ay pakiramdam niya parang kaibigan na lang ito sa kanya, kaibigang okay kung nariyan, okay rin kung wala. Meaning, hindi tipo ng kaibigan na matatawag na the best.
Umiling siya. Naguguluhan na siya. Nagpahatid na lamang siya sa bahay nila. Doon na siya naghapunan. Tapos nang kumain ang mga kapatid niya at ina kaya mag-isa siyang naghapunan.
Pagkatapos ng hapunan ay sinimulan naman ni Coleen na gawin ang kanyang resignation letter para kay Franco. Subalit habang nagtitipa siya sa kanyang laptop ay bigla na namang sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Franco noong huli silang nag-usap. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ito kinakausap nang personalan kahit magkasama sila sa taping.
Hindi niya matapos-tapos ang kanyang tinitipa dahil maya’t-mayang sumasariwa sa isip niya ang magagandang bagay na nangyari sa kanila ni Franco. From the first time they met, they talked and sharing a beautiful thought and working together for different field.
Noon lamang niya na-realize na sa maikling panahong nakilala niya si Franco ay ang lahi ng iniambag nito sa buhay niya upang maging mas komportable siya at naging mas malawak ang kanyang isip. Hindi lamang mga magagandang alaala ang binabalikan niya, kundi ang masasarap na sandaling pinagsaluhan nila. Higit pa roon ay ang walang pag-aalinlangang pagsuko niya rito ng kanyang p********e.
She ended done writing her resignation letter with tears covering her vision. She had decided to move on and thought that her decision was the right thing to do to enlighten what she wanted for her life. She has to choose and follow what is right.
Pero bakit siya labis na nahihirapan at nasasaktan kung tama naman ang ginagawa niya? Nai-print niya ang resignation letter saka pinirmahan. Ibibigay niya iyon kay Franco pagtapos ng huling taping nila sa pelikulang kinabibilangan nila.
KINABUKASAN ng Linggo ay isinama niya ang kanyang ina sa ginagawa niyang bahay pagkatapos nilang nagsimba. Mabuti na lang wala roon si Franco at walang nagtatrabaho. Rest day kaya pahinga rin ang mga construction worker. Malapit nang mabuo ang two story house niya. May mga division na rin ng kuwarto at ibang pasilidad. Finishing na lang ng mga wall, bintana at pinto. Madali na lang ‘yon kapag magpipintura na. Mayroon na ring bubong. Dark red ang color roof na ginamit ayon sa gusto niya.
Marami pang nakakalat na construction materials kaya hanggang sa labas lang sila ng Nanay niya. Pagkuwan ay nagdesisyon siyang umuwi na sila. Magluluto pa siya para sa handa ng kaarawan ni Gabriel.
Inimbita ni Coleen si Cedric. Nangako naman itong pupunta. Maraming bisita si Gabriel na mga kaibigan nito kaya dinamihan na nila ang niluto. Bago sumapit ang tangalian ay dumating si Cedric. May dala itong isang kahon ng cake at regalo para kay Gabriel. Tanghalian ang handaan kaya mas marami ang niluto nilang ulam.
Nabusog na siya sa kakatikim ng niluto nila kaya nang oras na ng kainan ay hindi siya kumain ng kanin. Kumuha lang siya ng maliit na hiwa ng cake. Pagkatapos ay hinanap niya si Cedric. Natagpuan niya itong nag-iisa sa loob ng bar counter. Abala ito sa pagtipa sa cellphone nito. Wala pa itong pagkain.
Bumalik siya sa mesa ng mga pagkain saka kinuhaan ng pagkain si Cedric. Nang balikan niya ito ay napansin niya na tulala itong nakatitig sa bote ng red wine. Mukhang malayo ang iniisip nito. Hindi man lang ito na-distract sa paglapit niya. Inilapag niya sa mesa ang plato ng pagkain sa tabi nito. Kumuha siya ng kaunting icing sa cake niya saka ipinahid sa tungki ng ilong nito.
Kumislot si Cedric at gulat na napatingin sa kanya. “H-Hey!” anito.
“Okay ka lang ba? Mukhang malayo ang iniisip mo, ah. Care to share it?” kaswal na sabi niya. Umupo siya sa katabi nitong silya.
“Uh… nothing. I just tired,” tugon nito.
“Kumain ka muna.”
Hinila naman nito ang plato ng pagkain saka marahang sumubo. Pinagninilayan lang ito ni Coleen, pero naroon ang pagdududa niya. May problema si Cedric. Bihira niya ito nakikitang nanghihina at sobrang seryoso.
“Kumusta ang pag-aaral mo?” tanong niya sa binata makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila.
“Okay naman,” tipid nitong sagot.
“What about your work?” aniya.
“It’s fine. What about you? How’s your work with Franco?”
Nasorpresa siya sa tanong nito. Noon lang hindi mainit ang ulo nito na nababanggit si Franco.
“Malapit na ring matapos ang project na ginagawa namin,” tugon niya.
“What about your work for his construction firm?”
Bumuntong-hininga siya. Hindi muna niya sasabihin kay Cedric ang plano niya.
“Sa ngayon ay wala pa akong bagong project sa kompanya niya,” aniya.
“Nakita ko ang ginagawang bahay mo. Totoo ba’ng siya ang in-charge roon?”
“Yes, but I pay for his services.”
“But obviously, there’s some special offer from him, and you accepted everything.”
“Cedric…”
“I knew it, Coleen. I know you and Franco were not just friends. You’re free to do what you want if you don’t forget your limitations and responsibility.”
“Please, stop talking nonsense. Forget about it. What do you want to drink?” aniya saka nag-interrupt sa usapan nila.
“Just give me anything,” sagot nito pagkuwan.
Kumuha siya ng inumin nila. Mabuti tumigil na ito sa pag-e-emot. Para maaliw ito ay nanood sila ng action movie sa study room.
APAEKTADO ang pang-araw-araw na buhay ni Franco dahil sa kakaisip niya kay Coleen. Hindi na talaga ito nag-submit ng bagong interior design nito. Lahat ng mensahe niya sa messenger nito ay walang sagot. Lalo itong naging mailap sa kanya nang matapos ang huling taping nila sa project na kinabibilangan nila. Bihira rin niya itong nakikita sa Calla studio.
Inutusan ulit niya si Donny na alamin lahat ng galaw ng dalaga. Minsan ay naisip niya na hindi na normal ang ginagawa niya pero hindi niya mapigil ang labis na paghahangad sa dalaga. Halos hindi na siya nakakatulog nang maayos.
Kinagabihan ng Lunes ay tinawagan niya si Ace. Pinapunta niya ito sa bahay niya. Mabuti na lang available ang binata. Niyaya niya itong uminom ng wine. Katatapos lang niyang mag-swimming nang dumating ito. Nakaupo lang sila sa gilid ng pool.
“Do you want to swim?” tanong niya rito.
“No, thanks. So, what we’re going to talk about now?” anito.
Bumuntong-hininga siya. “I know you’re not the right person to talk to about my problem, but I hope you will give me some advice.”
“Ano ba ang problema mo? Babae ba?”
“Exactly, yes. I’m really obsessed. Feeling ko mamamatay ako kapag hindi ko siya nakuha,” seryosong pahayag niya.
“Damn! Are you serious?” hindi makapaniwalang tanong ni Ace.
“Yes, man. Minsan, hindi ko na alam kung normal pa ba akong tao. I don’t wanna make it worse.”
“I think you should consult the psychiatrist.”
“God! I can’t do that!”
“You should do, Franc. But as long as you know what you are doing, you’re not at risk factors. But fix it before late.”
“Okay, I know. Iyon lang naman ang gusto ko, eh, maging akin siya nang buo,” aniya.
“Wala ka bang tiwala sa kakayahan mo bilang lalaki? Bakit parang hirap na hirap kang makuha ang babaeng gusto mo?”
“She’s already taken. Akala ko makukuha ko na siya pero lalo siyang lumalayo.”
“Maybe, she’s madly in love with her lover, or she is just afraid to sin or feel confused with her feelings. Did she accept you in any matter?”
“We had a series of s****l intercourse before. Yes, she accepted me. That’s why I felt confused and wondered what she felt for me. I felt she likes me too,” kuwento niya.
“Then what happened?”
“Bigla siyang umiwas sa akin.”
“Oh, well, maybe she just felt guilt, or she’s trying to fix her mistakes. Just keep taking her attention and focus on what you think is her greatest weakness. God! Man, you awaken my asshole side!”
Natawa siya. “I know you now, Ace. Thanks, man. These conversations help me a lot. I have a hint now,” pilyong sabi niya.
Tinampal ni Ace ang hita niya. “Actually, relate ako sa sitwasyon mo,” anito.
“Don’t say you’re obsessed too?”
“Of corse not! Uminom na lang tayo. Cheers!” anito.
Binunggo naman niya ang baso nito. Nang maubos ang laman ng baso niya ay tumalon siya sa tubig at muling lumangoy.
Inaliw ni Franco ang kanyang sarili. Gumala siya sa Tagaytay at dinalaw ang kanyang Lola. Nagpahinga muna siya sa trabaho. Nakatulong ang pagliwaliw niya para kahit papano ay makalimutan niya ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.
At sa kanyang pagbabalik sa trabaho ay bumungad sa kanya ang resignation letter ni Coleen na iniwan sa secretary niya. Iniwan din nito ang balance payment para sa kotse at bahay nito. Pakiramdam niya ay may baradong ugat sa ulo niya na pumutok. Para siyang aatakihen ng stroke. Hindi siya mapakali. Tinawagan niya ang dalaga. Hindi siya nito sinasagot. Nag-iwan siya ng mensahe sa cellphone nito, maging sa messenger at e-mail. Aywan niya lang kung hindi kaagad susugod sa opisina niya ang babae.
Kinabukasan ng Biyernes ay inaasahan na niyang susugod sa opisina niya si Coleen. Natakot ata sa mensahe niya. Kararating lang nito ay dagli siya nitong sinugod at sinampal.
“Are you crazy?” nanlilisk ang mga matang sabi nito matapos siyang saktan.
The pain never bothered him anymore. He laughed. “Please take your seat first. Let’s talk,” aniya.
“Talk about what?”
“Come on, you acted like a guilty sinner. It’s obvious, honey. Takot ka rin palang mamatay ako,” nakangising sabi niya.
Lumuklok sa silyang katapat niya ang dalaga. “Sino ba ang hindi matatakot? It’s not a f*****g joke, Franco! Ang punuin mo ng mensahe ang inbox ko at messenger, e-mail tungkol sa plano mong pagpapakamatay dahil lang binabalewala kita, hindi ito normal. Nababaliw ka na. Kapag namatay ka, ako ang lalabas na may kasalanan. How dare you?” palatak nito.
“I’m sorry, hindi ko matanggap na puputulin mo ang ugnayan mo sa akin. Iyon ang ibig mong sabihin sa pagre-resign, ‘di ba? Sorry, I just love you.”
NAWINWINDANG si Coleen. Hindi siya makapaniwala na nagagawa ni Franco ang lahat nang iyon. Nag-send pa ito ng litrato nito na maglalaslas ng sariling pulso. Noong una ay binalewala niya ang mga mensahe nito, pero kanina lang umaga paggising niya ay nakita niya ang pinadala nitong litrato sa messenger niya na maglalalas ng pulso. Bigla siyang nilamon ng takot kaya hindi pa sumisikat ang araw ay nagising na siya. Dahil sa pagkataranta ay nakarating siya sa opisina nito na hindi pa naliligo. Naghugas lang siya at nagsipilyo. Ni hindi siya nag-almusal. Una siyang pumunta sa bahay nito pero wala ito roon kaya dumeretso siya sa ospisina nito dahil ang sabi ng gardener nito ay sa opisina natulog ang hudyo.
Naihilamos ni Coleen ang kanyang palad sa mukha niya. “Bakit? Bakit mo ito ginagawa, Franco?” emosyonal niyang tanong.
Tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Lumuklok ito sa silyang katapat niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Napilitan siyang tingnan ito nang deretso.
“I won't stop pursuing you until you realize how I am madly in love with you,” seryosong pahayag nito.
“That’s impossible! Kailan pa ‘yang nararamdaman mo?” usig niya rito.
“Matagal na.”
“Gaano katagal?”
“Since I met you.”
Bumalikwas siya nang tayo ngunit hindi nito pinakawalan ang mga kamay niya. Nagpumiglas siya ngunit bigla siya nitong niyakap.
“It’s over, Franco. You can’t please me to accept you. It’s wrong,” aniya sa kabila ng pagpuyos ng kanyang damdamin.
Hindi niya maintindihan bakit siya nahihirapan nang ganoon.
“I don’t care. I don’t care what is wrong or what is right. I love you, that’s all I care for,” bulong nito sa kanya.
Pilit niyang nilalabanan ang kanyang nararamdaman. Itinulak niya ang binata ngunit muli siya nitong niyakap at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Nang maghari ang init ng halik nito sa sistema niya ay kaagad siyang nanlumo. Wala siyang lakas upang pigilan ito, sa halip ay nagparaya siya.