Chapter 27

1739 Words

"SA SUSUNOD na may gusto kang malaman, sa akin ka magtanong at h'wag sa kambal. Baka kung ano pa ang ituro nila sa 'yo sa susunod," istriktong wika ni Matthew na marahang ikinatango ni Thalia bago siya nagbaba ng tingin. Napanguso siya sapagkat napagalitan pa siya nang dahil sa kambal. Sabagay, kasalanan naman niya talaga. Bakit ba naman kasi na-curious pa siya? Haysss... Lumipas ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nila ni Matthew at tanging lagaslas lang ng tubig ang naririnig sa loob ng banyo pati na rin ang malalalim na paghinga nito. Nang hindi na nakatiis si Thalia ay nag-angat siya ng tingin sa binata na kasalukuyan palang nakatingin sa kanya kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata. Bahagyang nakakunot pa rin ang noo nito pero agad din iyong nawala. "Itutuloy ko pa ba?" nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD