KAHIT inaantok pa ay pilit na iminulat ni Matthew ang mga mata nang hindi niya maramdaman si Thalia sa tabi niya pagsapit ng umaga. Napilitan siyang bumangon at umupo sa kama kahit na inaantok at mumukat-mukat pa siya. Nilibot niya ng paningin ang buong kuwarto pero hindi niya nakita sa loob ng silid ang dalaga. Dumapo ang mga mata ni Matthew sa kama, sa parte kung saan ito humiga at agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang magkita roon ng pulang mantsa. Dugo ba ito? What the f**k! May nangyari ba sa amin ni Thalia? Pero bakit wala akong maalala? Natigilan si Matthew habang nakatitig sa mantsa ng dugo sa kobre-kama. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi lalo na ang nangyari sa pagitan nila ni Thalia pero hindi niya talaga maalala na nakuha niya ang kainosentehan nito. Malin