KAHIT pa sabihin nasa nakakapasong tagpo sina Jake at Monica nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin nakalampas sa pandinig ng huli ang sinabi ng kanyang asawa. Nagseselos? Kanino? Hindi na nagawang isatinig pa ni Monica ang mga katanungang naglalaro sa kaniyang isipan dahil muling inangkin ni Jake ang mga labi niya. At pagkatapos ay bumitiw ito saka ginawang madali ang paghuhubad sa harapan niya mismo. Humahangang hinagod ng tingin ni Monica ang kabiyak niya nang makalapit ito sa kanya. “Akin ka,” ani Jake at pagkatapos ay hinaplos ng kamay nito ang kaniyang mga labi pababa sa kanyang leeg na nagtuloy sa kaniyang dibdib. Gusto sanang magtanong ni Monica. Pero nagdadalawang isip siyang gawin iyon. Nalalanghap niya ang amoy ng alak sa hininga ni Jake simula pa kanina. At nalalasahan r

