MATAGAL nang wala sa harapan niya si Myla pero hindi pa rin makapaniwala si Conrad sa lahat ng narinig niya mula rito. Hindi niya matanggap na nakarinig siya ng ganoong uri ng mga panlalait mula sa isang babaeng kung tutuusin ay wala naman sa lugar para sabihin ang mga iyon sa kanya. Pero hindi lang iyon. Hindi talaga niya matanggap na ang lahat ng sinabi nito lalo na ang tungkol kay Monica. Na hindi na ito babalik sa kanya kahit na kailan. “Punyeta!” ang galit na galit niya mura saka malalaki ang mga hakbang na bumalik sa loob ng kanyang sasakyan. “Hindi ako papayag!” aniyang galit na galit na pinagsusuntok ang manibela ng sasakyan sa kanyang harapan. Iba ang kutob niya. Hindi siya naniniwala na malayong kamag anak ang pinuntahan ni Monica sa probinsya. Malamang sa malamang ay si Jak

