AGAD na napabuntong hininga si Monica sa narinig niyang sinabing iyon ng kaniyang ina. Sa totoo lang, napakalupit magbiro ng kapalaran kung minsan. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang babaeng naghahabol at nagtangkang manggulo at sumura sa pagsasama nilang dalawa noon ni Jake ay stepsister pala niya. At ngayon, lalo nang naging komplikado ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Parang ang nakikita pa niya ay may chance pang masira ang pamilya ng kanyang ina dahil na rin sa kanya. Sa puntong iyon siya nakaramdam ng lungkot. “Maiintindihan ko naman po ang lahat, kung sakali mang hindi ninyo ako pwedeng ipakilala sa kanila bilang anak ninyo. Hindi ko rin naman po kasi gustong masira ang pamilya ninyo,” paliwanag niya saka mabait na nginitian si Mila. Noon maingat na ginagap ni Mila ang k

