BAGO mag-alas dose ng tanghali ay nakabalik na silang dalawa ni Jake sa beach house. Ang gusto sana ni Jake ay sa labas na lamang sila kumain ng lunch. Pero dahil nga gusto niyang ipagluto ng pananghalian ang asawa niya ay iyon na lamang ang isinuhestiyon niya dito. Nilagang baka at pritong isda ang niluto niya para sa pananghalian. At tuwang-tuwa siya habang pinanonood niya si Jake sa magana nitong pagkain. “Oo nga pala, after lunch pupuntahan ko si Mang Tonyo. Gusto mo bang sumama?” tanong sa kanya ni Jake habang kumakain sila. “Siya ba iyong tumitingin dito?” tanong ni Monica. Tumango si Jake. “Iyong asawa naman niya ang naglilinis dito. Kung papayag silang dito na permenenteng mag-stay. Pag-alis natin, pwede na silang lumipat,” anito sa kanya. “Kailangan talaga pag-alis natin?” a

